Home OPINION EKONOMIYA NG PINOY KRITIKAL, BANTAYAN

EKONOMIYA NG PINOY KRITIKAL, BANTAYAN

4
0

GRABE muli ang ibinubunga ng digmaang United States-Israel at Iran.

Nagbubunga ito ng matinding krisis sa ekonomiya ng maraming bansa, kasama na ang Pilipinas, dahil sa pagtataas ng presyo at pagkukulang ng suplay ng krudo at mga produktong petrolyo mula sa krudo gaya ng diesel, gasolina, kerosene, liquified petroleum gas, aviation fuel at iba pa.

Sa pandaigdigang merkado, naglalaro ang presyo ngayon ng krudo sa 83-89 dolyar kada bariles kumpara sa 77-80 nitong nakaraang buwan.

Nagkakaroon din ng krisis sa suplay dahil sa ganap na pagtigil muli ng paglalayag ng mga oil tanker sa Strait of Hormuz papasok at palabas ng Persian Gulf na roon ang kargahan ng mga langis mula sa Iran, Kuwait, Bahrain, Iraq, Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates at Oman.

Nasa 20% ng suplay ng langis sa mundo ang dumadaloy sa Strait of Hormuz at ang masama pa, nadadamay na rin ang daloy ng langis sa Red Sea na dinadaluyan din ng 12% ng suplay ng langis.

Bukod dito, may krisis din sa suplay ng langis mula sa Russia dahil sa pag-atake ng Ukraine sa mga oil tanker ng Russia.

Ikinamatay nga ng dalawang Pinoy seaman at ikinasugat ng ilan pang Pinoy ang nasabing mga pag-atake sa Black Sea na nasa pagitan ng Russia at Ukraine.

BIGTIME PAGTATAAS-PRESYO, PATI ABONO

Dahil nga sa pagtataas ng presyo at kakulangan ng suplay ng krudo, heto ngayon ang mga presyo ng mga produktong petrolyo sa Pinas: diesel, nasa P88.58 kada litro, gasolina – P85.35 at kerosene at P120.67.

Kung hindi matitigil ang digmaan sa Middle East at Russia at Ukraine, malamang na tataas pa ang presyo ng krudo na magpapataas na naman sa mga produktong petrolyo sa Pinas.

Isipin pang, walang kontrol ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpepresyo dahil ibinigay ng batas na Oil Deregulation Law ito sa mga kompanya ng langis.

Ang tanging nagagawa ng gobyerno ay makiusap na huwag biglain ng mga kompanya ng langis na singilin nang minsanan ang publiko kundi utay-utayin para hindi mabigatan ang publiko…at ang pamahalaan na rin na pinakamalaking konsumidor ng mga produktong petrolyo.

Kaugnay nito, mga Bro, naririyan din ang pagtataas ng presyo ng abono dahil produkto rin ng mga bansa sa Persian Gulf at Ukraine ang fertilizer.

Kaya hindi na lang mga motorista at pabrika na umaandar sa langis ang apektado kundi maging ang mga mangingisda at magsasaka.

PAGMAHAL NG MGA BILIHIN, SERBISYO PAGHANDAAN NA

Dahil sa krisis sa langis at fertilizer, maghanda na tayo lahat sa pagtaas na rin ng presyo ng lahat ng bilihin at serbisyo, kasama ang kuryente.

‘Yang presyo ng mga produkto ng mga mangingisda at magsasaka, tiyak na magtataas pa, at magtataas din maging ang mga processed food mula sardinas hanggang noodles, tubig-inumin, construction materials, gamot sa sakit at iba pa.

Sa partikular, ang mga pari na nagmimisa para sa impeachment, pwede bang isama naman ninyong ipagmisa ang krisis sa sikmura at bulsa ng mga mamamayan na bunga ng krisis sa langis?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here