“Bawat Bayan Makikinabang”, Bangsamoro gov’t convergence program pinangunahan ni PBBM; kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary election, tuloy sa Setyembre
MANILA, Philippines – Pinangnahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Bawat Bayan Makikinabang at ang Bangsamoro Government Convergence Program sa Maguindanao del Norte kung saan ay ipinamahagi ang tulong sa Bangsamoro Ministries, Offices at agencies.
Kasama rin sa ipinamahagi ng Chief Executive ang tulong mula sa Socio-Civic Projects Fund para sa Pamahalaang Lungsod ng Cotabato at sa mga Pamahalaang Panlalawigan ng BARMM.
Sa kabilang dako, nabanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati na tuloy ang Bangsamoro Parliamentary election sa ikalawang Lunes ng Setyembre.
Sa naturang halalan ay iluluklok ang karamihan sa mga miyembro ng Bangsamoro Parliament upang tuluyang mapalitan ang Bangsamoro Transition Authority.
Matatandaang, unang itinakda noong 2022 ang Bangsamoro Parliamentary election subalit inilipat nuong 2025 at muling ipinagpaliban at itinakda sa Setyembre 14, 2026 sa bisa ng Republic Act No. 12317nna nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Marso 25, 2026. (KRIS JOSE)