Home NATIONWIDE Pahayag ng China sa medical evacuation sa Ayungin, itinanggi ng AFP

Pahayag ng China sa medical evacuation sa Ayungin, itinanggi ng AFP

3
0

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pahayag ng China na pinayagan nito ang medical evacuation ng sugatang Pilipinong sundalo mula sa Ayungin Shoal.

Ayon sa AFP, isinagawa ang operasyon noong Hulyo 21 kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas bilang bahagi ng paggamit ng bansa sa mga karapatan nito.

Binigyang-diin ng AFP na hindi kailangan ng Pilipinas ang pahintulot ng anumang banyagang bansa upang magsagawa ng operasyon sa loob ng sariling EEZ. Anila, maling pahayag ang sinasabi ng China Coast Guard na sila ang nagbigay ng pahintulot sa evacuation.

Nangyari ang medical evacuation matapos masugatan ang isang Pilipinong Navy personnel sa engkuwentro sa Chinese Coast Guard malapit sa BRP Sierra Madre noong Hulyo 21.

Iginiit din ng AFP na nasa loob ng 200-nautical-mile EEZ ng Pilipinas ang Ayungin Shoal, batay sa 2016 Arbitral Award sa ilalim ng UNCLOS. Hinimok din nito ang China na itigil ang umano’y iligal na panghihimasok sa West Philippine Sea at sumunod sa international law. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here