Home HOME BANNER STORY CSC nagbabala vs pekeng gumagamit ng pangalan, logo ng ahensya

CSC nagbabala vs pekeng gumagamit ng pangalan, logo ng ahensya

7
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) laban sa mga indibidwal at grupo na ilegal na gumagamit ng pangalan, logo, at pagkakakilanlan ng ahensya upang manloko ng publiko.

Ayon kay CSC Chairperson Marilyn Yap, may mga ulat na may mga nagpapanggap na konektado sa CSC, na maaaring magdulot ng panloloko at maling impormasyon.

Nilinaw ng CSC na wala itong awtorisadong tao, organisasyon, review center, o anumang grupo na gumamit ng pangalan o logo nito para sa promosyon, recruitment, solicitation, o enrollment.

Binigyang-diin din ng ahensya na hindi ito nagsasagawa ng review classes at hindi nagbebenta o namamahagi ng examination reviewers para sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa Agosto 9, 2026 o sa iba pang pagsusulit.

Hinikayat ng CSC ang publiko na tiyaking sa mga opisyal na social media accounts at communication channels lamang kumuha ng impormasyon.

Pinayuhan din ang publiko na ireport ang mga hindi awtorisadong grupo sa Contact Center ng Bayan sa 0908-881-6565 o sa [email protected]. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here