Home LIFESTYLE HEALTH Nasawi sa Ebola outbreak sa Congo, halos 1,000 na

Nasawi sa Ebola outbreak sa Congo, halos 1,000 na

3
0

BUNIA, Congo — Umabot na sa 999 ang nasawi sa pinakahuling Ebola outbreak sa Congo, na itinuturing ng mga awtoridad na pinakamabilis na pagkalat ng sakit na naitala sa kasaysayan.

Batay sa datos na inilabas ng Ministry of Health ng Congo, umabot na sa 2,473 ang naitalang kaso at 999 ang nasawi hanggang nitong Linggo.

Idineklara ang outbreak noong Mayo 15 at sangkot dito ang Bundibugyo strain ng Ebola virus, na wala pang aprubadong bakuna o gamot.

Mas mabilis itong kumitil ng buhay kumpara sa mga naunang outbreak, kabilang ang epidemya noong 2013 hanggang 2016 na ikinasawi ng mahigit 11,000 katao mula sa hindi bababa sa 28,000 kaso. Umabot noon ng halos walong buwan bago pumalo sa 1,000 ang bilang ng mga namatay.

Bihira ngunit lubhang nakahahawa ang Ebola at naipapasa sa pamamagitan ng bodily fluids gaya ng dugo, suka at semilya. Nagdudulot ito ng malubhang karamdaman at kadalasang nakamamatay. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here