Manila, Philippines — Hindi sa kanyang alma mater na FEU kundi sa University of the Philippines College of Media and Mass Communication naimbitahang maging speaker si Vice Ganda sa graduation ceremonies nito.
Dumagundong ang hiyawan at palakpakan sa UP Cine Adarna nang sumipot ang TV host-comedian para maging guest speaker.
Agad-agad na niyanig ni Vice Ganda ang buong venue nang i-congratulate niya ang mga magtatapos gamit ang kanyang tanyag na linya.
Vice Ganda came dressed in modern Filipiniana as he engaged in a huddle with the graduates alongside the professors.
Aniya: “What’s up, madlang iskolar ng bayan?!” tiling pagbati ni Vice na naglikha ng pandemonium.
Sa kanyang talumpati, hinamon ng TV host ang mga nagtapos na maglingkod sa mga mamamayang Pilipino, hindi tulad ng inuulat na tiwaling mga pulitiko.
Giit ni Vice Ganda: “You’re expected to share education, not disinformation!”
Umani ng masigabong palakpakan ang tinurang ‘yon ng TV host-comedian.