Itinutulak ng Volunteers Against Crime and Corruption ang pag-iral ng parusang kamatayan sa mga kasong pandarambong.
Sinabi ni VACC President Arsenio Boy Evangelista na ito ay dahil sa maituturing na pagsabotahe sa ekonomiya ang bawat perang nanakawin sa kaban ng bayan o ibubulsa ng mga tiwaling opisyal at kawani ng gobyerno.







