Home NATIONWIDE Suporta, patubig para sa magsasaka, patuloy na pinalalawak ni PBBM

Suporta, patubig para sa magsasaka, patuloy na pinalalawak ni PBBM

5
0

MANILA, Philippines – Patuloy na pinalalawak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang suporta at patubig para sa mga magsasaka.

Sa katunayan, personal na nagtungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bayan ng Aborlan sa Palawan upang pasinayaan ang pagbubukas ng Ibato-Iraan Small Reservoir Irrigation Project.

Layunin ng Ibato-Iraan SRIP na maghatid ng tubig sa mga bukirin upang patatagin ang kabuhayan ng magsasaka.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi na kailangang umasa pa sa pagdating ng ulan para lang madiligan ang mga tanim.

Ngayon aniya ay tuluy-tuloy na ang patubig, tuluy-tuloy na rin ang ani ng mga magsasaka dahil sa year-round irrigation.

“Sa tulong ng SRIP, magkakaroon ng reliable supply ng tubig ang mahigit isanlibong ektarya ng lupang sakahan na siya ring makakatulong na pataasin ang cropping intensity,” ayon kay Castro.

“Sa madaling sabi, kung noon ay dalawang beses lang puwedeng magtanim, ngayon ay maaaring maging tatlong beses na ito kada taon,” aniya pa rin.

Direkta naman aniyang makikinabang sa irigasyon ang 425 farmer-beneficiaries at sa local food supply ng mga nakapaligid na komunidad.

“Kongkretong solusyon sa tagtuyot, kapanatagan sa mga magsasaka, at dagdag biyaya sa hapag-kainan ng pamilyang Pilipino,” anito.

Ilan lamang aniya ito sa hatid ng Ibato-Iraan Irrigation Project sa mga kababayan sa Lalawigan ng Palawan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here