MANILA, Philippines — Isang barko ng China Coast Guard (CCG) ang nag-water cannon nang mahigit dalawang minuto laban sa isang sasakyang pandagat ng gobyerno ng Pilipinas malapit sa Bajo de Masinloc nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Iniulat din ng PCG na isa pang barko ng CCG ang nagsagawa ng mapanganib na pagmaniobra sa unahan ng isa pang sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon kay PCG Rear Admiral Jay Tarriela, walang nasugatan sa insidente at ipinagpatuloy ng dalawang barko ng Pilipinas ang kanilang fuel subsidy mission para sa mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc. RNT/MDS