Home OPINION PALPAK NA MGA TESTIMONYA SA IMPEACH TRIAL

PALPAK NA MGA TESTIMONYA SA IMPEACH TRIAL

1
0

KLARONG lumitaw sa ika-9 na araw sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang mga palpak na posisyon ng prosekusyon.

Itong si lead prosecutor Batangas Representative Gerville Luistro, pumalpak sa pagsasabing sa International Criminal Court, hindi kailangang mapanumpaan ang isang affidavit gaya ng affidavit complaint ni Arturo Lascanas laban kay VP Sara at ama nitong si ex-President Digong Duterte.

Diretsahang sinupalpal siya ni Presiding Officer Chiz Escudero na hindi ICC ang Impeachment Court.

Naunang kinuwestyon ni defense attorney Mark Vinluan ang halaga ng affidavit ni Lascanas bilang ebidensya dahil wala itong pirma, hindi notaryado at hindi pinanumpaan sa awtoridad.

Napaamin din ni Senator Judge Robin Padilla si Luistro na sinungaling si Lascanas dahil sa pabago-bago nitong affidavit laban sa mga Duterte.

Pumalpak na rin si National Bureau of Investigation Direktor Melvin Matibag sa pagprisinta ng affidavit bilang ebidensya sa grave threat at itinuring na lang ito sa huli na gamit lang ito sa imbestigasyon.

Pinalitaw rin ni Vinluan ang video na naglalaman ng pagbabanta sa buhay nang walang lilitaw na ebidensya ni Mel Sabio ngunit minarapat ni Vinluan na huwag ipalabas sa Impeachment Court para sa proteksyon ng privacy ng pamilya Matibag at ni Mel Sabio.

Umamin si Matibag na nagawa niya iyon bilang bugso lang damdamin sa away nila ni Mel Sabio.

Ipinunto ni Vinluan na kung bilang bugso lang ng damdamin at hindi grave threat, bakit umano idiniin ni Matibag na grave threat ang nagawa ni VP Sara ang bantang may kondisyon na pagpapatay nito kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at ex-Speaker Martin Romualdez.

Hindi ring tunay na saksi si Matibag sa mga naunang imbestigasyon ng NBI sa grave threat at inciting to sedition laban kay VP Sara dahil wala pa ito noong isinagawa ang mga ito.

O paano?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here