Home OPINION BIGTIME OIL PRICE HIKE ULIT DAHIL SA GIYERA

BIGTIME OIL PRICE HIKE ULIT DAHIL SA GIYERA

3
0

KUNG magpapatuloy ang paglundag pataas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, magkakaroon ba ulit ng pagtaas ng presyo ng diesel na P11 kada litro, P4 sa gasoline at P12 sa kerosene sa susunod na linggo?

Nitong nakaraan kasing linggo, ang nabanggit na pagtaas ng mga presyo ay nangyari batay sa humigit-kumulang $83 kada bariles ng krudo.

Batay sa galaw ng presyo ng West Texas Intermediate sa United States, lumundag ang presyo sa $88 kada bariles habang lumundag sa $95 kada bariles ang Brent oil na nasa kamay ng Norway at United Kingdom.

Brent oil ang higit na maimpluwensya at sukatan ng pandaigdigang sa presyuhan at naiimpluwensyahan nito maging ang presyuhan sa US kahit may WTI oil ito.

Hindi rin gaanong may epekto sa presyuhan ang direktang pagbili ng ilang oil refiner sa Venezuela oil sa halip na daraan sila sa mga middle man dahil kakaunti pa ang suplay na sangkot dito.

GIYERANG RUSSIA, MIDDLE EAST

Kritikal ang suplay ng langis sa mundo dahil sa giyera sa Russia laban sa Ukraine at giyerang US-Israel laban sa Iran.

Nasa 11 porsyento ng pandaigdigang suplay ng langis ang nanggagaling sa Russia samantalang galing sa Middle East ang 31% na dumaraan sa Strait of Hormuz at Bab al-Mandad Strait naman sa Yemen.

Sa ngayon, hindi gaanong makapagluwas ang Russia sa pamamagitan ng mga barko dahil inaatake ang mga ito ng Ukraine hindi lang sa Black Sea kundi sa iba pang karagatan at inaatake rin ang mga oil field at plantang langis nito.

Sa ngayon, sarado ang Strait of Hormuz na labasan ng 20% suplay ng langis mula sa mga bansang Iraq, Iran, Kuwait, Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, Oman at Bahrain at delikado rin ang biyahe sa Bab al-Mandab Strait dahil sa giyerang Houthi sa Yemen laban sa Saudi Arabia at Israel.

Dahil sa krisis sa suplay, naririyan din kakambal na problema – ang pagtataas ng presyo ng krudo at sari-saring produkto mula rito gaya ng diesel, gasolina, kerosene, natural gas, liquified petroleum gas, aviation fuel at iba pa.

Pinalala pa ang pagtaas ng presyo ng mga middleman.

PRESYO NG BILIHIN LALONG TATAAS

Kung nagtaas ngayon ang mga presyo ng lahat ng bilihin mula pagkain at tubig hanggang sa gamit sa produksyon ng pagkain gaya ng fertilizer, gamit sa paggawa ng bahay, imprastraktura, pangangailangan ng mga estudyante, negosyante, transportasyon at iba pa dahil sa naganap na taas-presyo ng mga produktong petrolyo nitong nakaraang Martes, lalong tataas pa sa susunod na linggo dahil sa inaasahang maaaring kaparehong halaga ng pagtaas pa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Matanong nga natin ang gobyerno na very busy sa impeachment para masibak sa pwesto si Vice President Sara Duterte at pagsalag sa pababa nang pababa na grado ng Pangulo sa mga sarbey sa iba’t ibang usapin, gaya ng pagtitiwala, satisfaction at approval nito.

Nasaan ang mga epektibong aksyon para iahon sa kahirapan ang mga mamamayan sa sumpa ng mahal na langis?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here