MANILA, Philippines — Suspendido ang klase sa ilang bahagi ng bansa ngayong Biyernes, Hulyo 24, 2026, dahil sa masamang panahon na dulot ng Tropical Storm Kiyapo at pinalakas na southwest monsoon o Habagat.
Idineklara ng mga lokal na pamahalaan ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Sarangani at Sultan Kudarat.
Wala ring pasok sa lahat ng antas sa Sibuco, Zamboanga del Norte; Pagudpud, Ilocos Norte; at Silay City, Negros Occidental.
Sa Libmanan, Camarines Sur, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan dahil sa taunang pista ng bayan. RNT