MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City at Maynila sa Lunes, Hulyo 27, 2026, para sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa mga lokal na pamahalaan, layunin ng suspensiyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na mapakinggan ang talumpati ng Pangulo at maiwasang maipit ang publiko sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko malapit sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Samantala, naglabas ang Metropolitan Manila Development Authority ng mga alternatibong ruta para sa mga motorista na maaaring maapektuhan ng mga pagsasara ng kalsada at pagsisikip ng trapiko sa araw ng SONA. RNT