Home NATIONWIDE Senior high dinakip sa pagpopost ng banta sa social media vs guro,...

Senior high dinakip sa pagpopost ng banta sa social media vs guro, estudyante

2
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki na na undergraduate student ng senior high school ang inaresto ng pulisya makaraang magpost ito ng pagbabanta sa mga guro at estudyante ng Imus National High School sa Brgy. Bucandala, Imus City, Cavite.

Ayon sa ipinadalang report ni PLtCol Chey Chey Saulog, hepe ng Imus Component Police Station, kinilala ang suspek na si alyas ‘Billy,’ 25-anyos, matapos umano itong mag-post ng mensaheng naglalaman ng banta laban sa mga guro at estudyante ng nasabing eskuwelahan.

Batay sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, bandang 10:19 ng umaga noong Hulyo 23, may lumabas na post sa Facebook group ng Imus National High School na naglalaman ng banta laban sa mga guro at mag-aaral.

Base sa pagsisiyasat ay natukoy umano na ang suspek ay isa sa mga administrator ng naturang Facebook group at may access sa account na ginamit sa pag-post ng mensahe.

Humingi ng tulong ang school principal sa mga opisyal ng Barangay Bucandala III, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pag-turnover nito sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Article 282 ng Revised Penal Code Section 6 ng Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) sa City Prosecutor’s Office ng Imus ang suspek na nakakulong ngayon sa Imus City Police Station.

Hinihikayat naman ng pulisya ang komunidad na iwasan ang pagpapakalat ng anumang mensaheng nagdudulot ng takot o pangamba lalo na sa estudyante na panunahing nabibiktima ng karahasan. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here