Home METRO 2 timbog sa P3.4M shabu sa Cavite

2 timbog sa P3.4M shabu sa Cavite

3
0

CAVITE, Philippines – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang PDEA Cavite Provincial Office at PNP Cavite Maritime Police Station, sa Dasmariñas City, Cavite noong Hulyo 24.

Nahuli ang mga suspek na nakilalang sina alyas “Daniel,” 34-anyos na negosyante, at “Raprap,” 40-anyos na tricycle driver, sa kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway sa Barangay Salitran bandang alas-9:30 ng gabi.

Nakumpiska mula sa kanila ang humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may standard value na P3.4 milyon at tinatayang street value na P500,000, na nakalagay sa limang plastic bag.

Nasamsam din ang limang bundle ng boodle money na ginamit sa buy-bust operation, mga financial document, isang sasakyan, mga ID, at isang cellphone.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isusumite ang nakumpiskang hinihinalang shabu sa PDEA Laboratory Service para sa qualitative at quantitative examination, habang isinasailalim sa imbestigasyon ang mga suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here