Home METRO Ginang na pakana ng bomb threat sa paaralan sa Cavite, arestado

Ginang na pakana ng bomb threat sa paaralan sa Cavite, arestado

1
0

CAVITE, Philippines – Isang 50-anyos na ginang ang sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan makaraan ihain ang isang Search Warrant Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) kaugnay ng kasong Grave Threat na isinagawa umano sa pamamagitan ng social media.

Ayon sa report, kinilala ang inaresto na si alyas “Anit,” may-asawa at residente ng Belvedere Subdivision, Brgy. Paradahan I ng nasabing bayan.

Siya umano ang itinuturong nasa likod ng pananakot na ipinadala sa pamamagitan ng Facebook Messenger laban sa Paradahan I Elementary School.

Base sa ginawang imbestigasyon, noong Hunyo 14, 2026, bandang alas-7:35 ng gabi, nakatanggap ang opisyal na Facebook Messenger account ng Tanza Municipal Police Station ng bomb threat mula sa account na gumagamit ng pangalang “Dennis Scotland.”

Sa natanggap na mensahe, tinukoy nito ang Paradahan I Elementary School bilang target ng umano’y pagsabog na nakatakdang mangyari sa Hunyo 15, 2026.

Bandang 11:00 ng umaga at 3:00 ng hapon, dahilan upang magsagawa ng agarang security measures ang mga awtoridad sa lugar.

Sa lumabas na  search warrant  ng Regional Trial Court, Branch 130, Trece Martires City noong Hulyo 24, 2026 , Dakong alas-6:00 ng umaga nitong Hulyo 25, i  pinangunahan ni PLtCol Chester Noel R. Borlongan, kasama ang Regional Anti-Cybercrime Unit 4A (RACU 4A) at Cavite Provincial Cyber Response Team (PCRT), pinatupad ng Tanza Municipal Police Station, ang pag aresto sa ginang dahil sa paglabag sa Article 282 (Grave Threat) ng Revised Penal Code kaugnay ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa operasyon, narekober  ang 16 na digital devices, kabilang ang iba’t ibang cellphone, iPod na may keyboard, WiFi modem, at SD cards na pinaniniwalaang maaaring naglalaman ng mahahalagang digital evidence na may kaugnayan sa ginawang insidente.

Isinagawa rin ng mga digital forensic examiner ng Cavite PCRT at RACU 4A ang on-site examination sa mga nakumpiskang kagamitan sa presensya ng mga legal na nakatira sa bahay at mga opisyal ng Barangay Paradahan I.

Ayon sa pulisya, dadalhin ang lahat ng nakumpiskang digital devices sa Digital Forensic Laboratory ng RACU 4A sa Camp BGen Vicente P. Lim, Calamba City, Laguna para sa masusing forensic examination.

Ang anumang digital data na makukuha rito ay gagamitin bilang ebidensya sa patuloy na imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaukulang kaso.

Patuloy pa ang nagsasagawa ng  imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here