Home NATIONWIDE Pagsabog sa DOJ iniimbestigahan na

Pagsabog sa DOJ iniimbestigahan na

2
0

MAYNILA – Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagsabog ng hinihinalang improvised explosive device (IED) na naganap malapit sa pasukan ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura Street, Ermita, Maynila, pasado alas-12 ng madaling araw nitong Lunes, Hulyo 27.

Ayon sa paunang ulat, walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. Agad ding isinailalim sa seguridad ang lugar upang matiyak na wala nang banta sa mga nasa paligid.

Rumesponde ang Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal (PNP-EOD) Unit upang magsagawa ng technical examination at masuri ang pinagmulan at uri ng sumabog na bagay.

Kasabay nito, nagsasagawa rin ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang motibo at ang mga posibleng nasa likod ng insidente.

Sa kabila ng pagsabog, kinumpirma ng mga awtoridad na kontrolado na ang sitwasyon at nananatiling ligtas ang compound ng Department of Justice.

Patuloy namang hinihikayat ang publiko na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here