Home NATIONWIDE Integridad, pagiging responsable at pagmamahal sa bansa panawagan ni Speaker Dy

Integridad, pagiging responsable at pagmamahal sa bansa panawagan ni Speaker Dy

1
0

MANILA, Philippines – Umapela ngayon sa mga Pilipino si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na ibalik ang kaugalian ng mga Pilipino na maawain, magalang, mananampalataya at bayanihan dahil ang pag-unlad ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende sa polisiya kungdi sa aspetong moral din.

Sa kaniyang talumpati sa pagbubukas ng ikalawang Regular Session ng 20th Congress ay sinabi ni Dy na ang pinakamatatag na lakas ng mga Pilipino ay magandang pag-uugali ng mamamayan.

“However, more importantly, for our country to really move forward, we must never lose sight of what has always been our greatest strength: our Filipino core values. Ito ang ating lakas, ang tunay na kayamanang dapat nating pangalagaan at ipagmalaki. Ang pinakamalaking panganib po ay kapag hinayaan nating mawala ang ating mga pagpapahalaga at pagkalinga sa isa’t isa. When we stop caring for our fellow Filipino.”

Sinabi pa ng speaker na hindi dapat manghinawa ang mga Pilipino sa pagtulong sa kapwa.

“Huwag po tayong mapagod umunawa. Huwag po tayong mapagod tumulong sa ating kapwa. At katulad po ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang talumpati noong Araw ng Kalayaan, huwag po tayong mapagod mahalin at ipaglaban ang ating Inang Bayan. Sa kabila ng dami ng ating problema at mga hamon, naging matatag po tayo bilang isang bansa dahil marunong tayong magdamayan at magbayanihan. This is who we are. Ito po ang mga katangiang naglalarawan sa atin bilang Pilipino.”

Nanawagan si Dy sa lahat ng mga Pilpino mula sa mga magulang, guro, mag-aaral, negosyante, opisyal ng gobyerno at sa mga ordinaryong Pinoy na tumulong na maibalik ang “ moral foundations” ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pamalagiang integridad, responsibilidad at pagmamahal sa bansa.

“We are all accountable. To ourselves, and to each other. Ito po ang mga magandang halimbawa ng pagbabagong magsisimula sa ating lahat.” Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here