Home NATIONWIDE Mga alegasyon ng mansion sa US, ‘fake news’ – Matibag

Mga alegasyon ng mansion sa US, ‘fake news’ – Matibag

3
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang kumakalat na alegasyon na mayroon siyang mansion sa Estados Unidos.

Sa press conference nitong Martes, sinabi ni Matibag na kapangalan lamang niya ang tunay na may-ari ng bahay at magkaiba sila ng middle initial.

“I categorically deny. Wala kaming properties sa abroad. ‘Yung properties namin all declared in my SALN. And you can get a copy of my SALN. Andyan naman ‘yan. Andoon lahat diyan,” aniya.

Sinabi rin niyang “totally fake news” ang alegasyon.

Ayon kay Matibag, layunin ng isyung ito na sirain ang kanyang kredibilidad bilang testigo ng House prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Nagbigay ng testimonya si Matibag kaugnay ng mga alegasyon na nilabag ni Duterte ang Konstitusyon, gumawa ng matataas na krimen, at nagtaksil sa tiwala ng publiko dahil sa umano’y pagkontrata sa pagpaslang kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here