MANILA, Philippines – Nakakita ng lead ang Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules, Hulyo 20 kaugnay sa hinihinalang improvised explosive devices (IEDs) na narekober sa labas ng Department of Justice (DOJ) at Senado.
“Our investigators are continuously investigating,” pahayag ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
“We made some leads to that, and we are pursuing [them],” sinabi pa niya.
Ang unang hinihinalang IED ay sumabog sa labas ng DOJ noong Lunes, habang ang ikalawang IED ay narekober sa labas ng Senado sa Pasay City ilang oras bago ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Naunang sinabi ni Nartatez na ang dalawang IED ay posibleng konektado.
Ipinunto rin ni PNP public information chief Col. Allen Rae Co ang parehong timing ng paglalagay ng IED.
“Just like other cases, give us ample time. Our investigators are working non-stop, 24 hours,” apela naman ni Nartatez. RNT/JGC