Home NATIONWIDE Pagmamadali sa Pax Silica kinwestiyon, House inquiry hiniling ng Akbayan

Pagmamadali sa Pax Silica kinwestiyon, House inquiry hiniling ng Akbayan

2
0

MANILA, Philippines – Pinuna ni Akbayan Partylist Rep Perci Cendaña ang pagmamadali ng administrasyong Marcos na sumali sa Pax Silica initiative, kasunod ng pangako ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na isama ang Pilipinas bilang isang Pax Silica site.

Ayon kay Cendana minamadali ng pamahalaan ang pagpirma sa isang framework agreement bago ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Manila para sa 49th ASEAN Leaders’ Summit sa Nobyembre.

“It is deeply troubling that the President is rushing to commit our country to Pax Silica while he has yet to disclose the full details of the deal. Bakit parang ginagawang “fast silica” ang Pax Silica? Bakit minamadali?” pahayag ni Cendaña.

“It is part of basic due diligence na usasain ang anumang kontrata. This is true most especially for any country entering into a trade deal or treaty. Delikadong pipirma siya sa isang agreement na hindi dinaan sa isang masusing pag-aaral,” paliwanag pa ng mambabatas.

Kaugnay nito, isang House Resolution ang inihain sa Kamara na humihiling na magkaroon ng imbestigasyon.

Sa kanyang ika-limang SONA, binanggit ni Pangulong Marcos ang panukalang Pax Silica Industrial Hub bilang sentro ng pagtatayo ng isang artificial intelligence (AI)-driven economy.

Bagamat inaasahan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na lilikha ito ng libu-libong trabaho at bilyun-bilyong piso na pamumuhunan nakapaloob sa resolusyon na dapat tignan kung mayroon itong tunay na benepisyo sa ekonomiya at pagtiyak sa seguridad at pproteksyon sa mga manggagawa laban sa automation.

Hinihingi rin ng resolusyon sa BCDA, Board of Investments (BOI), at Department of Foreign Affairs (DFA) na isumite ang lahat ng dokumento kabilang ang Pax Silica Declaration at mga draft supplemental agreement para sa masusing pag-aaral ng mga komite sa Kamara.

Maliban kay Cendaña ksama din sa naghain ng resolusyon sina Akbayan Reform Bloc lawmakers Rep. Chel Diokno, Rep. Dadah Kiram Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here