Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang pitong indibiduwal na nakikilahok sa iligal na online sabong sa Brgy. Mandili, San Miguel nitong madaling araw ng Hulyo 28.
Sa ulat ni PLTCOL Mohammad Taufh Abduhalim, hepe ng San Miguel police station, bandang 11:50 ng gabi nitong Hulyo 27, isang tawag ang natanggap ng istasyon mula sa concerned citizen hinggil sa patuloy na online sabong sa nasabing lugar.
Dahil dito, agad rumesponde ang mga pulis at pagsapit ng 12:20 ng madaling araw ay naaktuhan ang pitong indibiduwal na aktong nakikilahok sa ilegal na operasyon na online sabong.
Nang hingan ng kaukulang permit nabigo ang mga ito na magpakita ng anumang legal na dokumento kaya sila inaresto.
Nabatid na ipinaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatang naaayon sa umiiral na batas hanggang sa dinala sa istasyon para kaukulang dokumentasyon at inquest proceedings.
Nahaharap ang mga suspek aa kasong paglabag a Presidential Decree No. 1602 (Illegal Gambling) na nasa kustodiya ng istasyon. Dick Mirasol III