Home NATIONWIDE Palasyo: Marcoleta, Jinggoy nasa ilalim na ng hurisdiksyon ng Sandiganbayan

Palasyo: Marcoleta, Jinggoy nasa ilalim na ng hurisdiksyon ng Sandiganbayan

2
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na nasa ilalim na ng hurisdiksyon ng Sandiganbayan sina Senator Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada sa gitna ng panawagan ng una sa Senate impeachment court na humanap ng paraan para payagan sila na magpartisipa sa impeachement trial ni Vice-President Sara Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, naniniwala siya na ang ruling ng impeachment court, kung anuman ito, ay hindi mananaig.

“Kung ano man ang magiging desisyon ng Senado patungkol sa manifestation ni Senator Marcoleta, hindi rin po ito mananaig dahil ngayon ang jurisdiction po ni Senator Jinggoy at ni Senator Marcoleta ay nasa kamay po ng Sandiganbayan,” ani Castro.

Si Marcoleta, nakaditine dahil sa kinahaharap na non-bailable plunder case kaugnay ng umano’y hindi pagdeklara ng P75 milyon campaign donations, humirit sa Senate impeachment court na maghanap ng paraan na payagan sila ni Estrada, nakaditine dahil sa plunder at graft charges, na magpartisipa sa paglilitis.

Nanindigan naman si Senator Alan Peter Cayetano na dapat na payagan ang dalawang senador na dumalo sa impeachment trial.

Subalit, sinabi ni Castro, tinuran ni retired Associate Justice Antonio Carpio na ang indibiduwal na nakaditine dahil sa graft at plunder ay dapat na suspendihin.

“At the same time, according din kay Justice Carpio, na ang mga tao na nakakulong habang dinidinig ang kaso patungkol sa mga kaso ng graft and corruption, at kasama din dito kasi similar nature ang plunder, sila dapat ay suspended,” ani Castro.

Winika pa ni Castro na hindi pinapayagan ng korte ang mga abogado na mag-practice ng kanilang propesyon nakapag nakaditine, maliban na lamang kung kinakatawan ng mga ito ang kanilang sarili.

Maliban dito, sinabi ni Castro na binasura ng Sandiganbayan ang piyansa ni Estrada.

Sinabi pa ni Castro na lumalabas na iba ang opinyon ng Sandiganbayan sa opinyon ni Cayetano, nagpahayag na sina Estrada at Marcoleta ay maituturing na political prisoners.

“Kung iyan po ang kaniyang paniniwala, hindi naman din po siguro ito ang paniniwala ng Sandiganbayan. Iba ang kaniyang pananaw, iba rin naman ang pananaw ng mga korte.,’ ang winika ni Castro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here