Home NATIONWIDE Testimonya ng LandBank officials appetizer pa lang – House prosecution

Testimonya ng LandBank officials appetizer pa lang – House prosecution

1
0

MANILA, Philippines – Tinuring ng House prosecution bilang “appetizer” pa lamang ang naging testimonya ng dalawang Landbank bank manager na humarap bilang testigo ng prosecution team sa pagpapatunay ng Article 1 o confidential funds.

Ayon sa prosekusyon, mayroon pang ilalabas na mga testigo na magpapatibay na nagkasala si Vice President Sara Duterte ng betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution dala ng maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds.

Sa isang pressconference sinabi ni House Senior Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Lorenz Defensor na ang pahayag nina retired Landbank Shaw Blvd Branch Manager Violeta Constantino at dating Landbank Deped Branch Manager Nenita Camposano na “unusual” ang malalaking mga encashment dahil ngayon lamang nila ito nasaksihan ay panimula pa lamang sa kaniulang pagpapatibay sa kaso.

“Unusual ay appetizer pa lang. And unusual is the perfect start for the prosecution pagdating sa confidential funds,” ani Defensor.

“We will let the evidence lead the court to a finding of betrayal of public trust and culpable violation of the Constitution in the coming trial days,” giit nito.

Sa pagdinig, kinumpirma ni Constantino ang pag-encash ng apat na tseke mula sa Office of the Vice President (OVP) na umabot sa kabuuang P500 milyon.

Ayon sa prosekusyon, ang mga tseke ay may petsang Dec. 20, 2022, Jan. 31, April 18 at July 13, 2023.

Ang mga ito ay pinondohan ng National Treasury, na-credit sa account ng OVP, at na-encash ng Special Disbursing Officer na si Gina Acosta noong Dec. 20, 2022, Feb. 6, April 25 at July 14, 2023.

Tumestigo naman si Camposano tungkol sa pag-encash ng tatlong tseke ng Department of Education (DepEd) na nagkakahalaga ng kabuuang P112.5 milyon.

Sinabi ng prosekusyon na ang tatlong tseke, na bawat isa ay nagkakahalaga ng P37.5 milyon, ay may petsang Feb. 20, April 19 at July 11, 2023. Ang mga ito ay pinondohan ng National Treasury, na-credit sa account ng DepEd Office of the Secretary, at na-encash ng Special Disbursing Officer na si Edward Fajarda noong Feb. 22, April 26 at July 13, 2023.

Kapwa inamin ng dalawang bank managers na hindi karaniwan ang mga transaksyon dahil sa malalaking halaga, anila, karaniwang hindi nag-e-encash ng mga tsekeng may ganoong kalaking halaga sa pamamagitan ng cash.

Para naman kay House trial spokesperson Zia Alonto Adiong malinaw na nailatag ng dalawang testigo ang kakaibang katangian ng mga transaksyon.

Aniya, encashment ang ginawa sa tseke ng Deped at OVP hindi gaya sa mga ordinaryong disbursement na ipinapasok sa sariling account ng mga ahensya.

“Ito kasi hindi sa account ipinasok eh. Talagang ang purpose lang nila i-encash ‘yung pondo, ‘yung P612.5 million,” pahayag ni Adiong.

Malinaw din umano na mayroong calendar pattern sa transaksyon ng confidential funds dahil makikita na ang encashment ay ginagawa kada quarter.

Pinansin pa ni Adiong na karaniwan sa paggamit ng confidential funds para sa mga lehitimong operasyon ng intelligence na walang permanenteng schedule subalit mapapansin sa paraan ng encashment ng confidential funds ng OVP at Deped na may pattern ito kasama na ang maagang koordinasyon sa bangko bago ang encashment, pare pareho ang halaga ng mga tseke, ang sa DEped ay P37.5 milyon para sa 3 transaksyon habang P125 milyon naman sa apat na OVP transactions. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here