Manila, Philippines – Sa vlog ni Karen Davila, ipinakita ni Nadine Lustre ang pagiging hands on niya sa negosyo nila ng partner na si Christopher Bariou sa Siargao.
Ito ay ang isang private villa na nagsimula lang bilang project ng Filipino-French entrepreneur.
Later, nagkaroon ito ng resto na nagse-serve ng plant based foods.
Sa naturang vlog, ipinakita ng aktres ang pagluluto ng kanyang specialty: ang bangbang tofu at lasagna dish.
Aniya, in demand daw ang nasabing dish na kanyang niluluto sa kanilang villa sa nabanggit na tourist destination.
Sinabi rin niya na siya minsan ang nagsisilbing serbidora sa kanilang customers.
Gayunpaman, masaya raw siya sa joint venture nila ng partner.
Nasanay na rin daw siya sa tahimik na vibes ng probinsya.
Sa panayam din ni Karen, natanong si Nadine hinggil sa pinagdaanan ng partner na noon ay naging delikado sa cancer.
Aniya, hindi raw siya natatakot na mabibiyuda dahil palaban naman at maganda ang disposisyon ni Chris sa buhay.
Ito rin daw ang dahilan kaya pareho silang advocates ng clean living kaya plant based products ang kanilang iniendorso.
Sa palagay din daw niya ay cancer free na rin ang partner niya.
Ang pagiging aligned daw ng kanilang bisyon ang isa sa mga dahilan kaya nagki-klik ang kanilang relasyon.
Kung may isang bagay daw na hindi sila tugma ay ang tungkol sa paniniwala sa pagkakaroon ng anak.
Si Chris daw ay bet na magkaanak samantalang siya ay tila hindi pa handa sa ganoong responsibilidad.
Di rin daw niya feel ang magpa-freeze ng eggs dahil at present ay di naman pumapasok sa hinagap niya ang magkaroon ng baby. Archie Liao