Home HOME BANNER STORY SHS voucher scammer kulong ng 14 taon; DepEd, nagbabala!

SHS voucher scammer kulong ng 14 taon; DepEd, nagbabala!

1
0

MANILA, Philippines — Muling nagbabala ang Department of Education (DepEd) laban sa mga mapanlinlang na gawain sa Senior High School Voucher Program matapos mahatulan ng isang Regional Trial Court sa Metro Manila ang isang indibidwal na nagsumite ng mga pekeng billing statement.

Inilabas ng hukuman ang desisyon nitong Martes, kung saan hinatulan ang akusado ng pagkakakulong na aabot sa 14 taon, walong buwan, at dalawang araw, bukod sa multang ₱100,000 para sa dalawang bilang ng kasong kinaharap nito.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na hindi kukunsintihin ng DepEd ang anumang pamamaraang naglalayong abusuhin ang pondong nakalaan para sa edukasyon.

“While we respect due process, this ruling sends an unmistakable signal: we will not tolerate anyone cheating our public system,” ani Angara.

Bagama’t maaari pang iapela ang desisyon, sinabi ng DepEd na mananagot ang sinumang magtatangkang pagsamantalahan ang pondong inilaan sa mga education assistance program gaya ng SHS voucher program.

“The Senior High School Voucher Program was built to give students opportunities, not to line the pockets of fraudsters,” dagdag ni Angara.

Nangako rin si Angara na paiigtingin ang mga safeguard at magsasagawa ng legal na hakbang laban sa sinumang gagamit o magtatangkang gumamit nang mali sa SHS voucher budget at iba pang pondong pantulong sa edukasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here