Home METRO Higit P822K tobats, nasamsam sa Pampanga

Higit P822K tobats, nasamsam sa Pampanga

1
0

PAMPANGA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isang hinihinalang drug trader sa Candaba, Pampanga matapos makumpiskahan ng humigit-kumulang 121 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱822,800 sa isang buy-bust operation noong Miyerkules.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na “Donald,” na kabilang umano sa high-value individuals sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Nasamsam din ng mga awtoridad ang marked money na ginamit sa operasyon, na isinagawa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 3 at Regional Special Operations Group 3, sa tulong ng Candaba Municipal Police Station.

Sa hiwalay namang operasyon sa Tarlac City noong Hulyo 27, inaresto ang isa pang hinihinalang tulak ng droga na kinilala sa alyas na “Penpen.”

Narekober mula sa kanya ang humigit-kumulang 105 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱716,000.

Ayon kay Central Luzon police director Brig. Gen. Jess Mendez, paiigtingin pa ang intelligence-driven anti-illegal drug operations sa buong Central Luzon bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here