Home METRO 2-anyos na 1 linggong nawawala, patay na natagpuan sa Butuan

2-anyos na 1 linggong nawawala, patay na natagpuan sa Butuan

4
0

BUTUAN CITY — Patay na nang matagpuan ang isang dalawang-taong-gulang na batang lalaki na isang linggo nang nawawala sa madamong bahagi ng palayan sa Purok 3, Barangay Camayahan, Butuan City nitong Miyerkoles.

Ayon sa Butuan City Police, natagpuan ang bangkay ng bata sa layong dalawang kilometro mula sa kanilang tirahan at nagsisimula na itong maagnas.

Kuwento ng ina sa pulisya, nagwawalis siya sa labas ng kanilang bahay noong Hulyo 23 habang nasa loob ang kaniyang anak. Kalaunan ay napansin niyang nawawala na ang bata.

Nagtulong ang pamilya at mga kapitbahay sa paghahanap ngunit hindi nila ito natagpuan.

Sinabi ni Police Major Ian Gilbert Lodonia ng Butuan City Police Station 4 na kinumpirma ng pamilya na ang natagpuang bangkay ay ang nawawalang bata.

Dahil sa kondisyon ng mga labi, hindi agad matukoy ng Scene of the Crime Operatives kung ano ang nangyari sa biktima.

Pumayag ang mga magulang na isailalim sa awtopsiya ang bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung paano nawala ang bata at kung ano ang sanhi ng kaniyang pagkamatay. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here