Home LIFESTYLE HEALTH 1,184 kaso ng dengue sa Zambo City, naitala sa 2026

1,184 kaso ng dengue sa Zambo City, naitala sa 2026

2
0

ZAMBOANGA CITY — Pinaigting ng City Health Office (CHO) ang kampanya kontra dengue sa 98 barangay ng lungsod kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga kaso at pagkamatay.

Sinabi ni CHO chief Dr. Dulce Amor Miravite na nakapagtala ng dengue case clusters sa 36 barangay, palatandaan ng patuloy na hawahan.

“Recent dengue case clusters were identified in 36 barangays, indicating prevalent transmission,” sinabi ni Miravite sa isang pahayag nitong Huwebes.

Umabot sa 1,184 ang naitalang kaso ng dengue mula Enero, mas mataas nang 20 porsiyento kumpara sa 989 kaso sa kaparehong panahon noong 2025. Nakapagtala rin ng 11 pagkamatay na may kaugnayan sa dengue, karamihan ay mga bata.

Hinikayat ng CHO ang mga kabahayan, paaralan, lugar ng trabaho at barangay na sundin ang “5S” strategy: search and destroy mosquito breeding sites, secure self-protection, seek early consultation, support targeted fogging at sustain hydration.

“Preventing dengue is a shared responsibility,” sinabi ni Miravite habang hinihimok ang mga residente na tumulong sa pagpigil at tuluyang pagsugpo sa dengue. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here