Home METRO Mag-asawang ‘NPA’, patay sa engkuwentro sa Masbate

Mag-asawang ‘NPA’, patay sa engkuwentro sa Masbate

2
0

MASBATE — Napatay ang dalawang umano’y miyembro ng New People’s Army na mag-asawa sa mga engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan sa Barangay San Isidro, Palanas, Masbate.

Base sa imbestigasyon, nagpapatrolya ang mga sundalo ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa bulubunduking bahagi ng barangay nang makasagupa nila ang grupo nina alyas Ka Dawe at Ka Sheila.

Sinabi ni Army Major Frank Roldan ng Public Affairs Division na nakasagupa ng mga sundalo ang nasa 10 armadong indibidwal. Walong miyembro ng grupo ang tumakas, ngunit muling nagkaroon ng engkuwentro nang habulin sila ng mga tropa.

Ayon sa militar, may mahahalagang papel umano sa NPA ang mag-asawa at isa sa kanila ang nagsisilbing medic.

Isang sundalo naman ang nasugatan sa labanan.

Narekober ng militar sa lugar ang apat na high-caliber firearm at ilang umano’y subversive document.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ang Philippine Army ng mensahe sa Facebook page nito tungkol sa presensya ng mga hindi kilalang armadong indibidwal sa lugar. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here