Home NATIONWIDE “Nahihibang na talaga”: Trillanes, may patutsada sa pahayag ni VP Sara ukol...

“Nahihibang na talaga”: Trillanes, may patutsada sa pahayag ni VP Sara ukol sa ICC

3
0

MANILA, Philippines – Sinagot ni dating senador Antonio Trillanes IV ang pahayag ni Vice President Sara Duterte at iginiit na ang International Criminal Court (ICC) ay “no one’s lapdog.”

“Nahihibang na talaga si Sara,” aniya sa kanyang post sa X.

“The ICC is no one’s lapdog. Digong’s case before the ICC is the result of an in-depth investigation that spanned several years,” dagdag niya.

Ito ay tugon ni Trillanes sa sinabi ni VP Sara sa isang rally sa labas ng ICC detention center sa The Hague, Netherlands, kung saan inakusahan niya ang ICC na “lapdog” umano nina Trillanes at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sinabing sila ang nagbigay-daan sa pag-aresto sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Furthermore, we Filipinos know that thousands of killings actually took place due to Digong’s war on drugs policy,” dagdag pa niya.

Nahaharap si dating Pangulong Duterte sa tatlong bilang ng crimes against humanity kaugnay ng kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon. Ayon sa mga human rights record, mahigit 30,000 katao ang nasawi, habang higit 6,000 naman ang nakasaad sa mga tala ng pamahalaan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here