Home METRO 4 Malaysian nat’l na sangkot sa pagpatay sa isang dayuhan sa Cavite,...

4 Malaysian nat’l na sangkot sa pagpatay sa isang dayuhan sa Cavite, timbog

3
0

CAVITE, Philippines – Apat na Malaysian National ang nadakip kaugnay sa pagpatay sa isa nilang kasamahan na natagpuang duguan at tadtad ng saksak sa Sito Ilayang Puli, Brgy Iba, Silang, Cavite.

Matatandaang isang foreign national ang natagpuang duguan at tadatad ng saksak sa nasabing lugar. Ayon sa ibinigay na report ni Silang Mayor Ted Carranza, dahil sa ginawang follow up at back tracking sa mga CCTV footage ng pulisya mabilis na natunton ang kinaroroonan ng mga suspek at pakikipag-ugnayan sa Pasay City Police Station.

Napag alaman na matapos isagawa ang krimen ay iniwan ng mga suspek ang kanilang sinasakyang Toyota Fortuner nang mahulog ito sa kanal.

Mula sa lugar ng pinangyarihan, sumakay sila ng tricycle bago nag-book umano ng Grab patungong Pasay City upang tumakas.

Dahil sa tulong ng tricycle driver na sinakyan ng mga suspek natukoy ang pagkakakilanlan pati na ang mga kuha ng CCTV na nagpakita sa kanilang ruta palabas ng Silang hanggang makarating sa Pasay.

Sa isinagawang operasyon, agad na naaresto ang apat na suspek na pawang mga Malaysian National.

Ayon sa pulisya, inamin umano ng mga ito ang kanilang pagkakasangkot sa pagpatay sa biktima.

Sinabi rin ni Mayor Carranza na batay sa paunang impormasyon ng mga imbestigador, pinaniniwalaang nasa impluwensya ng ilegal na droga ang mga suspek nang maganap ang pananaksak.

Nahaharap sa kasong Murder ang apat na dayuhan habang nakikipag-ugnayan din ang pulisya sa kani-kanilang embahada kaugnay ng kanilang pagkakaaresto.

Pinasalamatan ni Mayor Carranza ang mabilis na pagkilos ng Silang Municipal Police Station sa pangunguna ni PLt. Col. Joseph Macatangay, gayundin ang intelligence operatives at mga opisyal ng barangay na nagtulungan upang agad na maresolba ang nasabing kaso. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here