Home METRO Magsasaka utas sa sunggab ng alagang kalabaw

Magsasaka utas sa sunggab ng alagang kalabaw

1
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Patay ang 38-anyos na magsasaka matapos siyang atakihin ng kanyang pitong taong gulang na lalaking kalabaw sa Barangay Quiwi, Hinigaran, Negros Occidental noong Hulyo 30.

Kinilala ang magsasaka na si Ronald, 38-anyos.

Ayon sa pulisya, kumukuha ng tubig ang kanyang live-in partner nang makarinig ito ng sigaw at paghingi ng saklolo. Pagdating niya sa lugar, nakita niyang nakahandusay at sugatan ang biktima habang patuloy na inaatake ng kalabaw.

Tumulong ang mga kapitbahay upang mapakalma ang kalabaw na ginagamit ng biktima sa pagsasaka.

Dinala si Ronald sa ospital ngunit idineklarang patay ng mga doktor. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here