Home ENTERTAINMENT JAMSAP Entertainment Academy, inilunsad na!

JAMSAP Entertainment Academy, inilunsad na!

2
0

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng misyon nitong tuklasin at i-develop ang susunod na henerasyon ng mga Filipino artists, buong pagmamalaking inanunsyo ng JAMSAP Entertainment Corporation ang opisyal na paglulunsad ng JAMSAP Entertainment Academy, ang Official Talent Development Program ng JAMSAP TV.

Layunin ng academy na magsilbing tulay para sa mga aspiring talents na nangangarap magkaroon ng tunay na oportunidad sa entertainment industry sa pamamagitan ng structured training sa acting, modelling, at dancing, kasabay ng paghubog ng professionalism, discipline, confidence, at strong values.

Higit pa sa isang traditional workshop, ang JAMSAP Entertainment Academy ang magiging opisyal na talent development arm ng JAMSAP TV, na maghahanda sa mga aspiring performers para sa mga future opportunities sa television productions, digital media, live entertainment, at iba pang proyekto sa ilalim ng patuloy na lumalawak na JAMSAP Entertainment network.

Ayon kay Jojo Flores, President ng JAMSAP Entertainment Corporation, itinatag ang academy upang magkaroon ng isang organisadong talent development program kung saan maaaring tuloy-tuloy na ma-develop ng mga aspiring artists ang kanilang skills at maihanda sila sa standards ng professional entertainment industry.

“Every great artist starts with an opportunity. Sa pamamagitan ng JAMSAP Entertainment Academy, nais naming tulungan ang mga aspiring talents na ma-discover ang kanilang potential, ma-develop ang kanilang abilities, at maipakita ang kanilang passion nang may kumpiyansa sa mas malaking audience.”

Sa unang yugto nito, mag-aalok ang academy ng specialized programs sa acting, modelling, at dancing, sa gabay ng mga experienced mentors at isang curriculum na idinisenyo upang ihanda ang bawat participant sa professional industry standards.

Habang patuloy na pinalalawak ng JAMSAP TV ang mga original productions at entertainment initiatives nito, inaasahang magiging isa ang JAMSAP Entertainment Academy sa pangunahing talent development platforms ng kumpanya.

Layunin nitong maghubog ng mga future actors, models, dancers, hosts, at performers na maaaring maging bahagi ng mga susunod na television programs, digital content, live events, at iba pang entertainment projects ng JAMSAP.

Ipinapakita rin ng paglulunsad ng academy ang long-term vision ng JAMSAP Entertainment Corporation na makatulong sa patuloy na pag-unlad ng Philippine entertainment industry sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipinong may talento.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, muling pinagtitibay ng JAMSAP Entertainment Corporation ang pangako nitong hindi lamang mag-develop ng mahuhusay na entertainers, kundi ng mga indibidwal na may creativity, discipline, professionalism, at passion na magbigay-inspirasyon sa iba.

Ang JAMSAP Entertainment Academy ay ang Official Talent Development Program ng JAMSAP TV, na nakatuon sa pag-discover, pag-develop, at pag-showcase ng susunod na henerasyon ng mga Filipino artists sa pamamagitan ng professional training. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here