Manila, Philippines – Tila walang kahihinatnan kahit mag-public apology pa si Anjo Yllana kina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon.
Hoping against hope pa din kasi si Anjo na makikita niya ang tatlong naghabla sa kanya sa hearing.
Nananalangin pa naman si Anjo to bump into TVJ in court para personal na mag-sorry sa kanila.
laapela din kasi ni Anjo sa hukuman ang naging desisyon nito na pagbayarin siya ng danyos na P3.5M.
Biro ni Anjo, of the said amount ay nakalikom pa lang daw siya ng P20k.
“Hindi. Seriously, nasa Court of Appeals na. Sa tingin ko, ha?” anoya.
Sa kabila nito’y nakuha pa niyang mag-joke: “Proud naman ako dahil ang value ko pala, eh, P3.5M…joke lang ‘yon, ha?”
Ang wish ni Anjo’y sana daw ay ma-realize ng TVJ–kundi man i-appreciate–ang kanyang pananahimik.
Hindi na daw kasi siya nagsasalita ng kung anupaman.
Bagkus ay tinanggap daw niya ang naging court decision.
Ano ang gustong ipaabot ni Anjo sa TVJ?
“Happy anniversary, Tito, Vic and Joey…wish kasi nila na umabot ang Eat Bulaga ng 50 years. Sana umabot sila. I wish them well…good health, happiness and success.”
Nasa 47th year na ang nasabing noontime program–three more years to 50! Ronnie Carrasco III