Home HOME BANNER STORY LRT-2 piso fare cashback promo, pinalawig ‘gang Agosto 31

LRT-2 piso fare cashback promo, pinalawig ‘gang Agosto 31

1
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Department of Transportation (DOTr) hanggang Agosto 31, 2026 ang “Piso Fare Cashback” promo para sa mga pasahero ng LRT-2 na gumagamit ng MySSS card at RCBC debit o credit cards sa cashless fare gates.

“Dahil sa promo, piso na lang ang magiging pamasahe pagsakay ng tren, kaya makakatipid ng hanggang Php17 kada biyahe ang mga pasahero depende sa kanilang destinasyon. Pwedeng mag-avail ng promo ng hanggang walong beses sa isang araw,” ayon sa DOTr.

Inilunsad ang cashless fare payment system sa LRT-2 noong Hulyo 13, kung saan maaaring magbayad gamit ang bank cards, mobile phones, at iba pang e-wallets.

Sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na ang pagpapalawig ng promo ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang digitalization at gawing mas maginhawa ang pagbiyahe.

“Malaking tulong ito sa mga komyuter dahil ‘yung matitipid nilang pamasahe, pwede pa nilang magamit ngayon sa ibang bagay tulad ng pambaon sa eskwela at pambili ng pagkain o gamot,” dagdag ni Lopez. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here