Home NATIONWIDE Flight ng AirAsia mula Tacloban apektado sa landing gear issue

Flight ng AirAsia mula Tacloban apektado sa landing gear issue

2
0

MANILA, Philippines – Kinansela ang flight ng AirAsia patungong Manila dahil sa technical problem sangkot ang landing gear nito, araw ng Sabado, Agosto 1, bago mag-take off dahilan upang maantala ang operasyon sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Tacloban, nakaranas ng technical issue ang eroplano bandang alas-6 ng umaga dahilan para mag-isyu ng Notice to Airmen (NOTAM) at pansamantalang i-adjust ang operasyon ng paliparan.

Nagdulot ng bahagyang delay ang insidente sa ilang mga paparating at papaalis na flight dahil sa apektadong eroplano sa runway.

Nagbalik naman sa normal ang operasyon 9:45 ng umaga matapos na ligtas na mahila sa bay area ang eroplano para sa technical inspection at assessment.

Ni-reschedule na ng AirAsia ang nakanselang flight at tinulungan naman ang mga apektadong pasahero.

Sa kaparehong araw ay naibalik din sa normal ang operasyon ng paliparan.

Patuloy naman na imomonitor ng CAAP Tacloban ang sitwasyon habang nananatili ang technical checks sa naturang eroplano. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here