Home HOME BANNER STORY Isa pang Pinoy seafarer patay sa pag-atake sa Black Sea

Isa pang Pinoy seafarer patay sa pag-atake sa Black Sea

1
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac ang pagkamatay ng ikatlong Filipino seafarer dahil sa pag-atake sa northern Black Sea.

“Noong nakaraang linggo, dalawa ang deceased pero ang iuulat ko ngayon, may isang nadagdag na nasawi. So tatlo na po ang nasawi natin sa northern Black Sea attacks sa ships docked in Ukrainian ports,” sinabi ni Cacdac nitong Sabado, Agosto 1.

Bagamat hindi pinangalanan ni Cacdac ang biktima at ang eksaktong lokasyon nito, sinabi ng opisyal na lilipad siya patungong Romania bukas, Agosto 3 para bisitahin ang morgue kung saan nananatili ang labi ng Filipino seafarer.

Magbibigay din ng buong tulong at suporta ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pamilya ng nasawing seafarer.

Samantala, iniulat ni Cacdac na mayroong 236 Filipino sa 17 inatakeng barko sa lugar.

Ligtas ang 217 sa mga ito at may 15 ang nasaktan. Walumput siyam ang napauwi na sa bansa, kabilang ang siyam sa mga nasaktan.

Nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Department of Foreign Affairs, ship owners, at manning agencies para sa pagbibiyahe naman ng labi ng tatlong seafarer.

“Mataas ang antas ng panganib kaya kailangan wala po munang Filipino seafarers in that area,” giit ni Cacdac. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here