Home NATIONWIDE Drainage project tinapos na kasunod ng pagkahulog ng PWD

Drainage project tinapos na kasunod ng pagkahulog ng PWD

2
0

MANILA, Philippines – Naisaayos na ang walang takip na drainage project sa Barangay 73, Zone 10, Pasay City kasunod ng insidente ng pagkahulog ng isang person with disability.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, nakumpleto na ang repair nitong Biyernes ng gabi kasunod ng pakikipagpulong sa lokal na pamahalaan ng Pasay City.

Dumalo sa meeting ang mga tauhan mula sa contractor ng proyekto, at mga opisyal ng barangay.

Ang biktimang PWD naman ay nagtamo ng minor injuries na agad dinala sa Pasay City General Hospital.

Nagpaabot na ng tulong ang Pasay City Social Welfare and Development Department sa biktima.

Binisita rin ng contractor ng proyekto ang biktima at nagbigay ng tulong. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here