Home NATIONWIDE Malalakas na pag-ulan ibinabala sa ilang lugar sa Luzon hanggang Martes sa...

Malalakas na pag-ulan ibinabala sa ilang lugar sa Luzon hanggang Martes sa #TDLuis

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA ng malalakas na pag-ulan sa ilang lugar sa Luzon hanggang Martes, Agosto 4, dahil sa Tropical Depression Luis at Habagat.

Sa heavy rainfall outlook na inilabas ng ahensya nitong Linggo, Agosto 2, posible ang 50 hanggang 100 mm ng ulan ngayong araw sa Isabela, Quirino, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.

Nasa 50 hanggang 100 mm din ng ulan ang aasahan bukas, araw ng Lunes, sa Cagayan at Isabela dahil sa epekto ng bagyo.

Samantala, inilabas din ang heavy rainfall outlook para sa Habagat bukas, kung saan ang Pangasinan, Zambales, at Bataan ay makararanas ng 50 hanggang 100 mm na ulan.

Habang sa Martes, Agosto 4, ay 50-100 mm na ulan naman ang posible sa Pangasinan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here