Home NATIONWIDE PCG nagbabala ng pagbagsak ng rocket debris ng China

PCG nagbabala ng pagbagsak ng rocket debris ng China

3
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga barko na umiwas sa bahagi ng Philippine exclusive economic zone sa Agosto 5 dahil sa planong paglulunsad ng China ng Jielong-3 rocket.

Nakatakda ang rocket launch sa pagitan ng 10:29 ng umaga at 11:04 ng umaga.

Inaasahang babagsak ang mga bahagi ng rocket sa designated drop zone sa 174 kilometro mula Babuyan Island at 265 kilometro mula Sta. Ana, Cagayan, ayon sa PCG batay sa impormasyon mula sa Philippine Space Agency (PhilSA).

Hinimok ng Coast Guard District Northeastern Luzon agn mga barko na iwasan ang lugar sa launch window.

“While the risk to Philippine territory remains low, the PCG urged all vessels to steer clear of the identified drop zone during the launch window and report suspected rocket debris to the nearest PCG unit,” saad sa pahayag ng Coast Guard District North Eastern Luzon.

Inabisuhan din nito ang publiko na huwag kunin ang anumang debris na matatagpuan sa dagat sa nasabing panahon.

Nananatiling mababa ang banta sa teritoryo ng Pilipinas ngunit hinimok pa din ng PCG ang mga barko na umiwas sa tinukoy na drop zone bilang pag-iingat.

Nakikipag-ugnayan na ang Coast Guard sa PhilSA at iba pang government agencies para maabisuhan ang maritime stakeholders sa paglulunsad at sa designated drop zone. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here