Home ENTERTAINMENT Ina ni Rene, nagbukas ng booth ng Baterbonia collections!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ina ni Rene, nagbukas ng booth ng Baterbonia collections!August 2, 2026 07:5510 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Inalala nitong nakaraan ang ika-40 araw o 40 days ng pagyao nina Rene Baterbonia at Divine Adili.Sila ‘yung Blue Eagles players ng Ateneo de Manila University na nalunod noong July 8 sa dagat ng Dipaculao sa Aurora.Tradisyon na sa ating mga Pilipino ang gunitain ang 40 days ng mga pumapanaw na mahal sa buhay.Via Facebook, inimbitahan ni Gng. Rovelyn Baterbonia na dalawin ang binuksan niyang booth ng mga Baterbonia collections sa mismong puntod ng anak.Post ng ina ni Rene, naka-display doon ang mga available products o mga alaala ng anak.Nabanggit din ng ina na kailangan na niyang tanggapin ang pagkawala ng anak, pero mananatili pa rin sa kanyang puso ang labis na pagmamahal para dito.Sa 40 days ni Rene, isang holy mass ang idinaos sa ADMU.Ito’y pinangunahan ni President Fr. Roberto Yap.Sa kanyang homily, iginiit ni Yap na ang araw ng paggunita kina Rene at Divine ay “period of trial, reflection and renewal.” Ronnie Carrasco III