MANILA, Philippines – Bahagyang lumakas habang mabagal na kumikilos sa dagat sa silangan ng Bicol Region ang Tropical Depression Luis.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Tropical Depression LUIS sa layong 295 kilometro silangan ng Daet, Camarines Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.
Mabagal itong kumikilos sa direksyong west southwestward.
Dahil dito, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Polillo Islands, Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma, Goa, San Jose, Tigaon, Calabanga), at Catanduanes. RNT/JGC