Home HOME BANNER STORY 5 patay sa sunog sa boarding house sa Caloocan

5 patay sa sunog sa boarding house sa Caloocan

1
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa lima ang bilang ng mga nasawi sa sunog na sumiklab sa isang boarding house sa Sinalyasi Street, Barangay 8, Caloocan City madaling araw ng Linggo, Agosto 2.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, kabilang sa nasawi ang isang 11-buwang gulang na sanggol.

Naunang iniulat sa apat ang bilang ng nasawi.

Sa ulat ng BFP, na-trap ang mga biktima sa nirerentahang bahay dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy dahilan upang hindi na makalabas ang mga ito.

Idineklarang fire out ang sunog 2:04 ng madaling araw.

Hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng mga nasawi habang nagpapatuloy din ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng sunog at lawak ng pinsala. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here