MANILA, Philippines – Kahit pinabulaanan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang paratang na mayroong ghost projects sa Taguig City, muling uminit ang sigalot matapos ilantad ni Senador Panfilo Lacson ang 33% kupit sa proyekto.
Nitong Sabado, Agosto 7, inilantad ni Lacson sa media na mayroon umanong kickback ni Cayetano sa lahat ng projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mahigpit na pinabulaan nito ang alegasyon.
Ayon kay Lacson, napipilitan ang kontraktorna magbawas ng materyales kaya nagiging substandard ang proyekto dulot ng hinihinging kickback na aabot sa 33% kada proyekto,
Base sa ulat ni Ian Cruz sa 24 Oras Weekends, sinabi ni Lacson na may dokumento ang kanyang kampo hinggil sa sinasabing money trail na sinimulan na nilang ibigay sa Office of the Ombudsman.
“Everything is documented. These are not rumors or hearsay. We have the contract IDs—they’re complete. We also have the progress billing documents with the corresponding dates. Everything is complete,” ayon kay Lacson.
Aniya, nakakuha sila ng impormasyon sa isang whistleblower upang matukoy ang daloy ng komisyon mula sa DPWH projects sa Taguig City, kilalang balwarte ni Cayetano.
Giit pa ni Lacson na kontrolado umano ni Cayetano ang district engineer sa Taguig dahil kapag sumalungat sila, palagi itong natatanggal sa puwesto.
“That really happens. That’s why the district engineer ends up acting like a mere puppet,” ani Lacson.
Inilabas din ni Lacson ang ilang litrato upang suportahan ang kanyang alegeasyon sa ghost infrastructure projects sa Taguig.
Kasabay nito, inimbitahan naman ni Cayetano si Lacson na bumisita sa Taguig City at personal na tingnan ang proyekto sa gitna ng imbestigasyon hinggil sa maanaomalyang flood control at iba pang infrastructure projects dito.
Sinabi ni Cayetano na mas makabubuting suriin ng personal ni Lacson ang Taguig City kaysa sa magpakita ng papel at litrato.
Iginiit din ng lider ng minorya na nakahanda siyang sagutin ang lahat ng alegasyon sa kanya.
“Let me assure you na lahat ng allegations na binabato sa amin ay masasagot. Let me assure you na maayos dito sa Taguig. As I keep saying, to the best of my knowledge, walang ghost project dito,” ayon kay Cayetano. Ernie Reyes