Home NATIONWIDE Drayber nadakip sa iligal na kargamentong acacia

Drayber nadakip sa iligal na kargamentong acacia

3
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang inaresto ng pulisya makaraang mahuling may kargamentong iligal na kahoy ng acacia ang minamaneho nitong sasakyan nang masita sa East-West Road, Brgy. San Agustin, Magallanes, Cavite.

Ayon sa nakakrating na report, kinilala ang suspek sa alyas na “Dan,” residente ng Caloocan City, driver ng isang Isuzu Traviz na may plakang NKU 7479.

Base sa isinagawang inspeksyon ng Magallanes Police Station, inamin umano ng driver na tinanggap niya ang booking para ihatid ang mga kahoy kahit batid niyang wala itong transport permit sa pagdadala ng forest products.

Nang buksan ang nasabing sasakyan ay tumambad ang limang piraso ng troso ng Acacia, na may habang humigit-kumulang 10 talampakan bawat isa.

Wala namang naipakitang Certificate of Origin, Authority to Transport, at iba pang dokumentong ang driver sa ilalim ng Presidential Decree No. 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines.

Nasabat sa naturang trak ang limang piraso ng Acacia timber na tinatayang nasa ₱60,000 ang kabuuang halaga nito.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree No. 705 ang drayber na nasa kustodiya ngayon ng Magallanes Police at ang trak pati na narekober na kargamento nito. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here