MANILA, Philippines – Aabutin ang Senado nang hanggang anim na buwan bago maipasa ang ilang panukalang batas na naglalayong lusawin ang system loss sa sinisingil sa kuryente na nagpapahirap sa consumer, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.
Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na maraming panukala ang naihain sa Senado bukod pa sa Mababang Kapulungan matapos magbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kamakailan.
“Dahil may meeting of the minds na — ang pangulo, ang House of Representatives, even sa Senate… Walo ang nag-file ng pagtanggal ng system loss…So sa tingin ko, kaya ito within, hanggang katapusan, three to six months kayang tapusin ito,” aniya sa interview.
Bukod kay Gatchalian, naghain din ng katulad na panukala sina Senate President Pro-tempore Vicente “Tito” Sotto III, Senator Erwin Tulfo, at Senator JV Ejercito. Naghain din sa Mababang Kapulungan sina Navotas City Representative Toby Tiangco at Quezon City 5th district Representative Patrick Michael Vargas.
Sa kanyang ika-limang tate of the Nation Address noong nakaraang Lunes, nanawagan si , Marcos sa dalawang Kapulungan ng Kongreso na amendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang matigil ang paniningil ng system loss charges, kabilang ang value-added tax (VAT), na ipinapasa sa consumers.
Current laws such as the EPIRA and Republic Act No. 7832 or the Anti-Pilferage of Electricity and Theft of Electric Transmission Lines/Materials Act allow distribution utilities to recover a portion of system loss from end-consumers through system loss charge reflected in monthly electricity bills.
Sinabi pa ni Gatchalian na magiging responsibilidad ng Energy Regulatory Commission (ERC) na hindi dapat itatago sa publiko ang lahat ng charges tulad ng system loss sakaling maisabatas ito.
“Ang pinakamalaking magiging issue dito ay computation ng system loss…Paano maglalabas ng regulation na distribution (utility) ang sasalo nitong system loss at siguraduhing hindi ipapasa sa consumers, sa ibang mga items…Baka itatago sa ibang item,” aniya.
“Ang pinaka nakikita kong bottleneck dito ay ‘yung ERC. ‘Yung maglalabas sila ng regulasyon na sisiguraduhin na hindi ito itatago sa ibang mga ipapasa sa atin,” dagdag ni Gatchalian.
Sinuportahan ng ERC ang panukala ni Marcos na amendahan ang EPIRA at itigil ang paniningil ng power distributor sa system losses na kinakarga sa consumers. Ernie Reyes