MANILA, Philippines – Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na magpapadala ito ng subpoena kina Batangas Rep. Leandro Leviste at dating kongresista Jing Paras kaugnay ng alegasyon na may umano silang planong i-frame up si Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, pirmado na ang subpoena noong Biyernes ngunit ipapadala ito ngayong Agosto 3.
“It was already signed last Friday but close of office hours, so it will be sent today,” sabi ni Matibag.
Inaasahan na haharap ang dalawa sa NBI sa Huwebes.
Ayon kay Matibag, may mga pahayag umano ang ilang biktima ng human trafficking na nagsasabing inalok silang bayaran kapalit ng paggawa ng kuwento at paglagda sa affidavit laban kay Recto.
“If they will not attend, then we have to deal with it na accordingly kung anong ebidensya ang dadating sa amin.”
“Anyway, there’s already the admission and confession nung mga subjects. That’s why they’re being subpoenaed to clear the light no, kung ano bang participation nila talaga.”
“Kung wala naman at nag iimbento lang itong mga tao na ito, we are willing to help them prosecute these personalities.”
Nakikipag-ugnayan na rin umano si Ralph Recto sa NBI at magpapadala ng kanyang mga abogado.
Itinanggi naman nina Leviste at Paras ang mga alegasyon laban sa kanila. RNT/MDS