Home NATIONWIDE Ilegal na wastewater, septic waste disposal sa bansa nais talupan ni Sen....

Ilegal na wastewater, septic waste disposal sa bansa nais talupan ni Sen. Raffy

3
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Senador Raffy Tulfo tungkol sa lumalalang problema ng illegal wastewater discharge at hindi tamang pagtatapon ng septic waste sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Tulfo, ipinapakita ng mga insidente sa Laguna at Pampanga na maaaring may kakulangan sa pagpapatupad ng Philippine Clean Water Act of 2004 at sa regulasyon ng pangongolekta, paggamot, pagdadala, at pagtatapon ng septic waste.

“Recent reports have raised concerns on the nationwide management of septage waste, including the proper collection, treatment, transport and disposal of septic waste by local government units, water districts and private operators,” sabi ni Tulfo.

Binanggit niya ang imbestigasyon ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa umano’y ilegal na pagtatapon ng wastewater na iniuugnay sa isang water infrastructure project matapos ang fish kill, mabahong amoy, at epekto sa mga residente at mangingisda.

Tinukoy rin niya ang pagkakatuklas ng radioactive materials, kontaminadong kagamitan, industrial dust, slag, at wastewater sa isang steel plant sa Magalang, Pampanga, na nagbunsod sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipasara ang planta.

Ayon kay Tulfo, sa Metro Manila pa lamang ay napakalaki na ng dami ng hazardous waste na hindi tamang naitatapon bawat taon, ngunit 5 porsiyento lamang ng populasyon ang konektado sa sewerage at treatment facilities.

Upang matugunan ang problema, naghain siya ng Senate Resolution No. 541 na nag-uutos sa Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change na magsagawa ng imbestigasyon sa ilegal na wastewater discharge at improper septage disposal sa buong bansa.

Layunin ng imbestigasyon na alamin kung sapat ang kasalukuyang pagpapatupad ng batas at kung anu-anong hakbang ang kailangan upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko at ang kapaligiran. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here