Home HOME BANNER STORY Higit 3.54M komyuter nakinabang sa Libreng Sakay – OVP

Higit 3.54M komyuter nakinabang sa Libreng Sakay – OVP

1
0

MANILA, Philippins – Ipinagdiwang ng Office of the Vice President (OVP) nitong Agosto 3 ang ikaapat na anibersaryo ng Libreng Sakay Program, at inihayag na mahigit 3.54 milyong komyuter sa buong bansa ang nabigyan ng libreng transportasyon mula nang ilunsad ito noong 2022.

Ayon sa OVP, layunin ng programa na magbigay ng abot-kaya at maaasahang transportasyon at makatulong sa pagpapababa ng gastos sa pamasahe ng mga manggagawa, estudyante, at iba pang araw-araw na biyahero.

Bilang paggunita sa anibersaryo, namahagi ang OVP ng 5,000 commemorative Libreng Sakay tokens sa mga pasaherong sumakay sa piling mga bus sa Metro Manila, Naic (Cavite), Bacolod, Tacloban, Metro Cebu, at Metro Davao.

Sinabi ng OVP na ang anibersaryo ay pagkilala sa apat na taon ng tuloy-tuloy na operasyon ng programa at sa patuloy na suporta ng mga komyuter na nakinabang dito.

Muling tiniyak ng tanggapan ang kanilang pangako na ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga programang tumutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here